Home

Saturday, January 11, 2025

BIYAYA

Sabi ng isa kong kaibigan, lahat tayo ay may kanya kanyang pinagdadaanan at kinakaharap sa buhay. May kanya kanya tayong paglalakabay at landas na tinatahak. Sa huli, yung daan na nilalakaran natin, ang direksiyon sana ay patungo kay Kristo.



Habang naghihintay sa pagdating ng Poon sa San Sebastian para sa Dungaw para i-cover yung event, na-witness ko na naman yung libu libong deboto na naghihintay para makita ang pagdaan ng Nazareno. Para silang mga alon sa dagat, atras abante para makapwesto ng maayos. Nakakakilabot, makatindig balahibo lalo kapag narinig mo na ang sabay sabay na pagsigaw ng Viva, Viva.
















Sa likod ko, may babaeng nakatungtong sa isang silya. Naririnig ko ang usapan nila nung kasama niya. Para akong maritess, nakikinig sa mga hinanaing niya sa buhay at mga problema niya. Narinig ko na dumayo pa siya para lang makita ang Poon para magpasalamat. Nung parating na ang  Poon at nagsisigawan na ulit ng Viva, naiinis ako sa babae kasi yung hawak niyang Good Morning towel ay tumatama sa mukha at ulo ko habang taas baba ang kamay niya at sumisigaw ng Viva. Pero dahil dumadaan na ang Poon hindi ko na pinansin. Bigla narinig ko umiiyak na siya at nagsasalita pero mga kataga ng pasasalamat. Lumingon ako at tumingala. Nakita ko ang mga luha niya. Habang umiiyak tumingin siya at ngumiti. Napangiti rin ako. Naluha ako ng slight (nahawa ke ate).  At that time, I felt blessed na nandoon ako mismo nakita ang Poon na dumaan sa harapan namin. Bukod doon, naisip ko yung mga bagay na wala sa buhay ko pero higit ang pasasalamat ko sa mga biyaya na meron ako ngayon.


Lahat tayo ay may biyayang tinataggap mula sa Kanya. Isa sa biyaya na ipinagpapasalamat ko ay ang biyaya ng pamilya, ng trabaho at ang pagkakataong makapaglingkod sa Kanya kasama ang mga taong itinuturing kong pamilya.

#Nazareno2025
#JesusNazareno




 






No comments:

Post a Comment