Home

Tuesday, March 31, 2020

COVID-19


Hindi kita nakkikita ngunit…

Ipininta mo ang kulay ng lungkot sa aking mukha,
Na dati’y katulad ng bahaghari sa langit ang saya.

Nang ikaw ay pumasok sa mundo kong dati walang lungkot,
Itinanim mo sa isip ko ang pangamba at takot.

Paunti –unti ay inukit mo sa puso ko ang galit at poot,
Ang puso ko na dati’y pag-ibig ang nasa loob.

Di nagtagal nagwagi ka sa pagguhit sa aking pagkatao
ang mawalan ng pag-asa at sa Diyos ay magtampo.

Ako ngayo’y gulung-gulo,
Nalilito kung anong nangyari sa sarili ko.

Sino ka? Ano ka? Bakit ka nanggugulo?
Sinira mo ko at pinagwatak-watak ang mga tao.

Sa gitna nitong dilim na kinakaharap ko,
Sino ang kakampi ko? Sino ang masasandalan ko?

Wala…Wala na…Sumuko na ako,
Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo.

Sa aking paghihirap at pag-iisa,
Umagos ang ilog sa aking mga mata.

Bumuhos ang ulan at ako ay tumahan,
Humuni ang ibon at lumipd sa kalawakan.

Pagtingin ko sa kalangitan
Imahe ni Kristo ang nasilayan.

Umihip ang hangin ng malakas
At parang niyakap ako ng wagas.

Ang Diyos ay nasa paligid,
Nagmamatyag at nakikinig.

Huwag tayong tumigil sa paghingi ng awa
dahil ang pag-ibig niya sa atin ay kailan man di nawala.

May tinuturong aral ang bawat pangyayari,
May dalang pag-asa na ang lahat ay lilipas din.

Manalig tayo sa Diyos,
Mahal niya tayo ng lubos.


COVID-19

No comments:

Post a Comment