Home

Friday, January 28, 2011

Kwento ng Isang Tomasino



Apat na taon akong paroo’t parito
nag-aral at naglakbay sa unibersidad na pinapangarap ko. 
Araw araw na tinatahak ang haba ng traffic sa España,
papasok, maglalakad papuntang AB building,
uuwi at tatawid sa overpass na ngayo’y may ilaw na.

Dito nagsimulang matupad ang ilang pangarap.
Bagong sapatos, bag, notebooks, ballpen
at maisuot ang isa sa pinakamagandang uniporme…
ang AB uniform!
Pagkatapos ay makapasa at makapasok sa minimithing major -
Ang AB Communication Arts.

Nakipaghalubilo, nakipagkaibigan sa mga kaklase
na di mahirap pakibagayan.
Noong first year, sila Nikki, Tessa, Orange , Fatima,
Michelle, H, Eldrick at Rochelle - 
sila ang una kong naging mga kaibigan.
Noong second year sila Elena, Maricar, Mike, Olga, Dona, Joan
at BFF na si Chona naman.
Noong third year nabuo ang Empire – sina Weng, Glezie, Marynelle, Elaine,
Jordinette, Celeste, Lolet, Ghe, Joseph, Sheryl, Russel, Audrey, H at Chona
hanggang 4th year sila pa rin.  Kasama rin sina Lyna, Cla-Cla, Gay
at patuloy na nadagdagan.
Ang 1A8, 2A6, 3B2 at 4B2…naging bahagi sila ng buhay UST ko.

Na-late at pumasok sa klase habang nakatalikod ang Prof,
nag-cutting class, naglakwatsa, nanood ng sine.
Nagchikahan sa paboritong tambayan –
sa AB Pavillion, Tiniko at Colayco,
nag-almusal, nag-merienda, tanghalian at hapunan
sa Jollibee, McDO, Goldilocks, KFC, sizzlingan sa P. Noval
at wlang kamatayang Janets sa Dapitan.
Tambay sa corridor pag wala pang prof,
o di kaya palakad lakad,
paikut ikot sa loob ng campus
or dadaan kunyari sa Engineering para
sumulyap ng mga gwaping.

Nakipila, nagpa-assess at nagbayad ng tuition
pag enrollment na.
Kinabahan kapag distribution na ng class cards.
Natuto ng Espanyol sa klase ni Prof. Josefina
at muntik ng maging avid fan ni Jose Rizal
sa subject na Rizal
at higit sa lahat problemado
sa subject na Math at Eco.

Muntik ng maligaw sa loob ng Main building,
nagpabunot at nagpa-cleaning ng mga ngpin
sa UST clinic at nagsimba sa UST Church.

Inabutan ng bagyo, natulog sa AVR,
naglakad sa baha sa España pauwi ng bahay
at kadalasan ay tuwang tuwa kapag suspendido
ang klase sa umaga.

Nag-P.E . sa gym at football field ng UST.
Gymnastic noong first sem ng first year
at Dancing naman nung second sem.
Basketball noong first sem ng second year
at volleyball naman ng second sem.

Nanood, nakisigaw pag may laban sa UAAP,
nakitili sa mga nag-gwa-gwapuhang players ng UST
lalo na ang small but terrible na si Bal David
at poging pogi na si Richard Yee.
Naki- cheer sa Araneta Coliseum
lalo na nung nag-4peat  ang UST basketball team.

Puyat kapag may exam lalo pag prelims at finals,
nag-research sa library,
nagpa-zerox ng libro,
nangopya ng notes,
nangodito, napagalita,
nangarag pag may report, projects at term papers,
na-stress sa paggawa ng thesis –
pero salamat sa mga kagrupong kong – sila Joy, H, Joseph at Chona.
“An audio video presentation showcasing the eco-tourism of
Subic Bay Metropolitan Authority” -  yan ang title ng thesis namin
na nagkamit ng UNO.

Mas naging makulay, masaya at makahulugan
ang pag-aaral sa UST nang maging ganap na
AB Communication Arts student ako.
Gumawa ng application letter
at kumabog ang dibdib ko sa pag-undergo ng interview.
Pero sarap ng feeling - - - naging miyembro  ako ng CASA…
(Communication Arts Student Association).

Masaya  kapag may photography class ni Sir Jay-
naaala ko pa nag-photo shoot kami sa Fort Santiago
at parte ng project namin ay makagawa ng istorya
gamit ang camera.
Mga groupmates ko (Chona, Joy and H) - - - naaalala nyo pa ba?
nag-shoot tayo sa GQ Bar sa Quezon Avenue?
Ang hawla, ang make up at damit ng mga nagsasayaw doon?

Marami ring natutunan sa Radio class ni Sir Bolo.
paggawa ng script at higit sa lahat ang mga
SFX na talagang nakakaaliw at nakakabaliw.

Cool naman ang class ni Mam Sienna sa broadcasting.
Dami zerox na babasahin at
exciting ang PR class.
Ginawan naming ng PR campaign ang isa sa mga
resto sa West Ave – ang Jam Music Lounge.

Higit sa lahat, paborito ko ang advertising class ni Sir Bong.
Daming insights at dahil din dun
nagkaroon kami ng pagkakataon na makalabas sa totoong mundo.
Nakapag interview ng mga bigating personalidad
sa larangan ng advertising.
Ang DYR-Alcantara ang isa sa mga napuntahan naming.
Nakapag OJT sa 89.1 DMZ at The Big Idea at Video Post
na Post Prod.
Dahil dyan tuluyan ko nang nalaman ang
scenario sa paggawa ng isang commercial.
Remember Blue Ice Beer mga ka-empire?

Lalong Masaya kapag theater arts subject na ni Mam Faye.
Bukod sa insights at mga lessons,
daming humor kaya sarap kaming tumawa.
Dito nabuo ang project na  ipinagmamalaki ng 4B2..
ang “Huling Gabi sa Maragondon” – salamat kina Joey at Cesar
at sa lahat ng mga nagsipag -ganap.

At dahil dito, maraming salamat sa lahat ng mga prof
na taos pusong nagturo sa amin.

Pagod pero fulfilling naman kapag nagpra-practice
ang mga mahuhusay sa larangan ng sayawan - - ang CASA Footworks.
Si Albert, Grace, Nanette, Chona, Macel, Michelle,
Dez, Angeli, Myla at si Ampy - - -ito ang mga kasama ko na
performance level pag sumayaw - - - remember ang motto - - -
Break a leg!!!
Nagpe-perform kami sa ibat ibang colleges para
maipakita ang husay at galing ng mga Artlets sa pagsayaw.

Di ko makakalimutan si Kite at si Bite
mga kaklase na nagpangiti at nagbigay
buhay sa aming klase.
Ang mga practices at paggawa ng props sa bahay nila Cyrus,
ang leadership ni Jonathan at Geneive,
at ang pangangaroling sa presence nila Cha, Cati, Jo-An, Lyna, Aileen,
Karen, Gay, Sheila, Faith, Madel, Badet, at ng iba pa.
Ang masisipag na sila AB, Danilo, Carlo, Bodick at mga
beauty na sila Anna May, Pia, Joey, Sheryl, Larry, Precious at marami pa.

Di ko rin malilimutan ang mga COFI AR ng CASA na
ginanap sa Studebaker at Hotel Intercon sa Makati.
Pabonggahan ng damit at lahat ay
gwapo’t magaganda.
Si Chona ang kasmaa ko bumili ng damit sa
SM North EDSA – sa Sari-Sari kung di ako nagkakamali.
Violet sa kanya black naman ang sa akin.

Pictorial na para sa grad pic.
Nagpaganda, pinaganda at gumanda.
Ganyan ang mga naging itsura namin.

Ilang araw na lang graduation na.
Baccalaureate Mass na sa Grandstand.
Pirmahan ng message sa uniform.
Bilihan na ng damit pang graduation.

Maraming nangyari…
dumaan ang taon…
naglakad ang panahon…
Graduation na nga!
Tapos na!
Kanya kanya na!
Magkahalong saya at lungkot.

Tapos na ang araw ng pag-aaral ng mga subjects
pero ang mga lessons sa pang araw araw
na buhay ay patuluyan na natututunan.

Marami na ngayon ang nagtagumpay sa kani-kanilang larangan.
Ang iba ay umukit na ng sarili nilang pangalan.
Ang ilan ay nag-iwan na ng bakas sa industriya.

May ilang kaibigang di nakita
pero meron pa ring ilan na kasama pa
at masasabing bahagi na ng buhay ko.

Matagal na panahon man ang lumipas
at bihira nang makapasyal sa aking alma matter,
kahit nagtratrabaho na at nagkaroon na ng pamilya,
nasa puso’t isip ko pa rin ang pagiging Tomasino.
Sabi nga - - - noon, ngayon at hanggang bukas
tatak Tomasino pa rin ako.

Sa mga magulang, maraming salamat sa lahat ng
tulong, suporta,pagkalinga sa kanilang mga anak.
Sila ang isa sa mga naging inspirasyon ng mga
matatagumpay na Tomasino.

Sa mga estudyanteng Tomasino,
suklian sana ang mga paghihirap ng  mga magulang
sa pamamagitan ng pagiging mabuting anak.

Ngayon 400 taon na ang Santo Tomas,
patuloy pa rin sila sa pagbigay ng dekalidad na
antas at uri ng edukasyon na pwedeng ipagmalaki
saan man sulok ng mundo.

At higit sa lahat,
sa walang sawang paghubog sa
espiritwal na aspeto ng mga estudyante
na maging mabuting tao sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng Salita ng Diyos.

Sa pamamagitan ng kwento na ito,
pasasalamat at pagbibigay pugay sa
lahat ng mga Tomasino, professors,
at bumubuo sa unibersidad na ito.


Dahil dyan…proud to be Thomasian ako!
Viva Santo Tomas!

No comments:

Post a Comment